Ang selfish mo, napaka selfish mo. Nakakainis ka eh alam mo yun. Sarili mo lang iniisip mo. Masaya kang paglaruan ako, sila. Hindi mo alam nakakasakit ka na. Ang selfish selfish mo talaga. Bakit ka ba ganyan? Tumigil ka na, please. Putang ina lang eh
So meron yung isang guy “friend”, tinanong niya ako kung pwede daw manligaw. PBB teens nga eh. haha. Pero palagi niya ako kinukulit na payagan ko daw siya na manligaw kasi mahal na mahal daw niya ako tapos ngayon lang daw siya nagseryoso. Na sana naman daw paniwalaan ko siya na mahal niya talaga ako. Kaya sabi ko, ikaw bahala basta seryoso ka talaga. Meron nga times na sinasabi niya na “nagseselos” daw siya kasi daw bakit daw di na nagrereply siguro daw may katext ako na iba ganito ganyan. Napaniwala talaga ako eh. ANG GALING TALAGA PUTANG INA TAPOS MALALAMAN KO NA TRIP TRIP LANG. Hindi naman ako “broken hearted” nung nalaman ko yun kasi wala naman talaga akong gusto sakanya. Pero ang kinaiinisan ko lang, bat ganun? Kelangan pa niyang sabihin na seryoso siya at na mahal daw niya ako. Ganun na ba kadaling magsabi ng “i love you” ? Ang galing. Nakakabilib. Kaya ngayon ang hirap malaman kung totoo yung sinasabi ng isang tao eh. Ang hirap magtiwala. Buti nalang talaga, hindi ako “nafall” sakanya. Nakakainis lang talaga. Akala mo namin kasi kung sinong gwapo o ano.